Tuesday, February 17, 2009

Tao o Feeling?

Isang gabi, hindi ako makatulog, napaisip ako.  Namimiss nga ba talaga kita?  Inisip ko 'yung mga bagay na namimiss ko tuwing magkasama tayo.  Inisa-isa ko silang lahat.  At napagtanto ko na hindi na kita namimiss.  Kasi ang namimiss ko ay 'yung mga bagay na ginagawa mo para sa'kin, ang namimiss ko ay 'yung fact at yung reality na meron akong kasamang maglakbay sa buhay.  Ikaw, bilang tao, hindi ko na namimiss.  Pero ang sayang nadudulot mo sa'kin, 'yon, tangina, miss na miss ko na.

Ano ba'ng namimiss ko, 'yung feeling o 'yung tao?  'Yung feeling, definitely.  And hangga't naghahanap lang ako ng taong pupuno sa feeling na 'yon, alam ko, hindi 'yun ang taong mamahalin ko.  Kasi dapat ang hinahanap ko 'yung tao, hindi lang 'yung feeling.  Maraming makakapagbigay ng feeling na 'yon, pero iilan lang ang taong alam mong mamahalin mo.

6 comments:

  1. Isang gallon lang ng ice cream ang katapat niyan. See you on the 28th. *big hug*

    ReplyDelete
  2. Matagal ko na inisip 'tong tanong mo, Friendas. Like mga isang linggo ba?

    Pero may naisip ako... Maybe, miss mo yung tao at miss mo yung feeling. Pero feeling ko, may nakalimutan ka sa choices. MISS MO YUNG "KAYO".

    Yun yung combination ng TAO, FEELING, at EPEKTO NIYO SA ISA'T ISA.

    Hindi ba yun yung mas nakakamiss?

    ReplyDelete
  3. FRIEND. I-jogging nalang natin 'to. :-)
    Kaya mo 'to. Kaya natin 'to.

    ReplyDelete