Thursday, February 19, 2009

Isang pamilyar na GPOA (o, kopyahan ba kamo ang labanan?)

Hindi ako film critic. Hindi malawak ang knowledge ko sa pag-analyze ng pelikula (hamak na Film 100 at Film 104 lang po ang natapos ko!), at lalong hindi pa ganun karami ang napanood kong Filipino films.  Pero isa akong fan, at hindi mawawaglit sa utak ko ang isa sa mga pinaka-nagmarkang linya sa mundo ng pelikulang Pilipino: "You're nothing / but a second-rate / trying-hard / COPYCAT!" (which actually goes back to the famous line's nature of copying dahil ilang milyong beses na nga bang nagaya ang linyang ito?)

Aaminin ko, hindi rin ako champion sa analysis.  Madalas sa klase ako 'yung pinakahuling nakaka-gets sa isang teorya o eksplanasyon.  Pero magaling naman ako mag-observe, madali naman 'yun eh.  And lately, may napansin lang ako, anoh.

*Click the image for a larger view

EXHIBIT A - ISA General Program of Action (Released Feb. 10, 2009)


EXHIBIT B - STAND-UP CMC General and Specific Program of Action (Released Feb. 16, 2009)



Hahayaan ko na lang ang mga mambabasa na humusga, kasi lahat naman tayo marunong bumasa (and I believe hindi kailangan ng in-depth study and analysis para ma-notice ang similarities).

Granted, walang monopolyo ang isang partido sa mga ideya.  Granted, pare-pareho tayong matatalino at ano nga ba naman ang chances na magkakapareho tayo ng mga naiiisip, 'di nga ba?  Granted, walang copyright ang mga programang ito, no matter how original or innovative they may seem.

Aaminin ko, and I'll say it categorically, ako ang gumawa ng avatar ng ISA (na papikit-pikit at nakakalurlur!  haha).  At, aaminin ko,  visual peg ko ang "Defend the OSR!" avatar ni G. Karl Castro (salamat po sa inspiration!).  I'll own up to that action, regardless if it's offending or otherwise to some people.  Ang tanong, how willing is STAND-UP CMC to own up to this action?  I can only venture a guess.

At this point I would like to raise a personal issue against one of their programs, in Journ specifically.  This year they have in their SPOA a "better" version of Coffee Write, entitled Coffee Write Up (Keri!).  Last year, my ISA Journ Rep partner (Pat) and I thought of a program to give exposure to other fields of journalism that are not being given proper light in the Journ curriculum.  We initially thought of a forum, but we thought that to make the conversation and learning lighter and better, the best environment would be a "kapihan."  Thus, we called it "Kapihan with Journalists."

Obviously, Pat and I lost, and we thought hindi na maisasakatuparan ang project.  But no, obviously, tinuloy ng nanalong Journ Reps ang project namin na ito.  Granted, I should feel happy na isa sa mga dream projects namin for Journ ay nag-materialize.  Granted, dapat matuwa pa 'ko kasi may initiative sila to do the project.  Granted, maganda na may ganitong mga projects sa Journ.

However, It is one thing to do another's project in the essence of leadership but it is another thing to grab another's idea and pass it off as yours.  Hindi na lang ako nag-react when I first found out kasi wala namang issue sa'kin 'yun, pero to put it back in their SPOA and for them to claim it as theirs, wow, that's just unjustifiable.

Heto lang naman eh: kung "Band-Aid" solutions, as they so eagerly call it, ang programang inihahandog ng ISA, bakit pilit itong ginagaya ng STAND-UP CMC?

And FYI, that's a RHETORICAL QUESTION.

UNA sa PROYEKTO
UNA sa SERBISYO
Dahil sa ISA,
Number 1 KAYO!
ISA para sa ISANG CMC!

39 comments:

  1. Tulad mo, hindi ako papayag na makisali nalang sa kababawan, kasinungalingan, ka-ipokrituhan, at higit sa lahat ay KATANGAHAN na kung tawagin ay STAND-UP.

    Kung makasita sila, akala nila sila lang ang may kapabilidad na magsilbi. Alam ba nila kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagsisilbi sa kolehiyo? At hindi, mga tiga-STAND-UP, bago kayo ma-agit diyan sa kinauupuan ninyo, excuse me pero walang kinalaman dito ang mga salitang GREATER STATE SUBSIDY AT IBA PANG MGA ABSTRACT NA SALITANG MINEMEMEMORYA NIYO PERO 'DI NIYO NAMAN TALAGA NAIINTINDIHAN.

    At hoy, puwede ba, kung pula ka at binabasa mo 'to, ba't kayo natatakot pumasok sa classroom at mag-RTR 'pag nakikita n'yo kami? Takot ba kayo sa isang INTELLECTUAL CONVERSATION? O hindi, hindi, erase, erase. TAKOT BA KAYO SA ISANG CONVERSATION KUNG SAAN KAILANGANG PAIRALIN ANG COMMON SENSE?

    'Pag umalis kayo sa UP, aasenso na ang MUNDO, ok?

    At 'wag na kayong mag-reply. Sayang kayo sa oras. At hindi, hindi rin, hindi namin ginawa ang I THE NATION dahil sa inyo kaya 'wag kayong feeling special.

    ReplyDelete
  2. Tulad mo, hindi ako papayag na makisali nalang sa kababawan, kasinungalingan, ka-ipokrituhan, at higit sa lahat ay KATANGAHAN na kung tawagin ay STAND-UP.

    Kung makasita sila, akala nila sila lang ang may kapabilidad na magsilbi. Alam ba nila kung ano ang ibig sabihin ng tunay na pagsisilbi sa kolehiyo? At hindi, mga tiga-STAND-UP, bago kayo ma-agit diyan sa kinauupuan ninyo, excuse me lang sa inyong mga batang tumatakbo sa kabundukan posters, pero walang kinalaman dito ang mga salitang GREATER STATE SUBSIDY AT IBA PANG MGA ABSTRACT NA SALITANG MINEMEMEMORYA NIYO PERO 'DI NIYO NAMAN TALAGA NAIINTINDIHAN.

    At hoy, puwede ba, kung pula ka at binabasa mo 'to, ba't kayo natatakot pumasok sa classroom at mag-RTR 'pag nakikita n'yo kami? Takot ba kayo sa isang INTELLECTUAL CONVERSATION? O hindi, hindi, erase, erase. TAKOT BA KAYO SA ISANG CONVERSATION KUNG SAAN KAILANGANG PAIRALIN ANG COMMON SENSE?

    'Pag umalis kayo sa UP, aasenso na ang MUNDO, ok?

    Ayaw kayo ng admin, ayaw kayo ng mga estudyante, at kaya lang naman kayo nananalo ay dahil sa mga kasinungalingan ninyo at mga panggagaya at pagbili ng mga semi-formal attire na OBVIOUS BA KITANG-KITA PA RIN ANG MADUDUMI NIYONG KALOOBAN.

    Sinong plastic? Sinong feeling? Tulad nga ng sinabi sa isa pang Multiply post ng isang CMC student, GO LOOK IN THE MIRROR AND RALLY AGAINST YOURSELF. Dagdagan niyo pa ng pagtingin ng deretso sa reflection niyo at tapos ay sabay na pagsabi ng YOU'LL NEVER MAKE IT.

    At 'wag na kayong mag-reply.
    Sayang kayo sa oras.

    At utang na loob, hindi, hindi rin, hindi namin ginawa ang I THE NATION dahil sa inyo kaya 'wag kayong feeling special. Sayang lang kayo sa memory space ng camera, if ever.

    Sorry JM for posting this here. Alam mo naman na sinubukan nating 'wag silang awayin sa nakaraang dalawang taon, passive lang, tanggap nang tanggap ng lahat ng mga masasakit nilang mga salita. Pero alam mo na, 'pag mga immature at tanga ang kausap mo, kailangan mong mag-adjust at bumaba sa lebel nila.

    ReplyDelete
  3. And they have the tenacity to parade the fact that they're present the whole year, and what for? So that they can boastfully toot their horns come election time? Eh diba ganun rin?! Parang... nagsilbi ka pa kuno pagmamayabang mo rin sa eleksyon. HYPOCRITES!!!

    ReplyDelete
  4. And they have the tenacity to parade the fact that they're present the whole year, and what for? So that they can boastfully toot their horns come election time? Eh diba ganun rin?! Parang... nagsilbi ka pa kuno pagmamayabang mo rin sa eleksyon. HYPOCRITES!!!

    We're done with all this stupidity and hypocrisy, James. Seriously, tatlong taon na'kong pikang-pika.

    ReplyDelete
  5. In other more important news, natawa naman ako sa pag-describe mo sa ISA avatar bilang "papikit-pikit at nakakalurlur!" I therefore conclude na ang ISA avatar and si Mam Pearl have a lot in common. SORRY THESIS MODE

    ReplyDelete
  6. I agree. Sa totoo lang, I'm inclined to support ISA this year because I think that your party offers the better ideas and more realistic programs for the students. You have put forward very meaningful plans for the students. Projects that would be very beneficial for the coming year

    ReplyDelete
  7. thanks Mark. it's nice to know there are people in CMC besides our friends who believe in us and in the change we are trying to affect. the college deserves a different kind of student council this year. a student council that is actually for the students who vote for them. :)

    ReplyDelete
  8. You're welcome po. Actually, may plans talaga ang ISA na gusto ko - particularly the one about organizing a forum about the 2010 elections. This is very important for all of us since it offers us a good chance of achieving change. It is important for Ate Jali to win so that most of your plans be put to action

    ReplyDelete
  9. I scanned through their GPOA when it came out around yesterday and saw those nga. Kapal.

    ReplyDelete
  10. jm sa totoo lang you should be thankful na napagsilbihan pa rin ang interes mo bilang isang journalism student. when the council conducts projects o gumagawa ng decision we never attribute it to a specific party. Gumagalaw kami bilang CMC student Council not as ISA not as STAND UP CMC. We strip-off our colors but not our principles. If we want our specific programs attributed to ourselves, we will just be CREDIT-SEEKERS AND NOT STUDENT LEADERS.

    ReplyDelete
  11. hi john mark vicencio tuazon! :D honestly, i wasn't aware you and pat had something ala-CoffeeWrite brewing when you were campaigning last year. i don't remember reading it in ISA's GPOA last year and unfortunately, you've never campaigned in any of my classes either, so i never got the chance to hear you actually campaign for this dream project of yours. or maybe, hindi niyo naman talaga naikampanya, you just thought of it. :) maybe lang naman.

    granted na hindi ko alam na may plan kayong ganito and granted na personally, feeling mo ginaya namin to. but excuse me JM. ang CoffeeWrite ay hindi project ng ISA o ng STAND UP. project to ng JournTeam and it is in the JournTeam's defense that i'm even bothering to reply to this post. sama-sama namin tong pinagpaguran, mula sa pag-iisip ng title at pubmats hanggang sa paghahagilap ng speakers at ng mga papakain sa kanila. so JM, what's unjustifiable is you claiming it is your project when it isn't. i'm sorreh JM, pero that is just plain unfair.

    and with regard to kelvin and juday including it in their SPOA for the journalism department, anong masama sa pagpapatuloy ng isang magandang proyekto? never nilang ikinampanya na sa kanila ang CoffeeWrite, keri? gaya nga ng sabi mo, marunong magbasa ang mga estudyante. wala sa SPOA ang claim mo na STAND-UP's claiming CoffeeWrite as its own. at marunong ding makinig ang mga estudyante. alam nila ang mga nasasabi sa bawat RTR ng STAND-UP. kaya nga di ko magets kung bakit mo sya niraise as a personal issue, e di rin naman sa inyo ang CoffeeWrite. :P

    since you raised this as a personal issue and it involves me, i am tempted to take it personally too. but i won't. so JM, kung may iba ka pang personal issue sa'kin dyan. sabihin mo na lang sa'kin personally. :)

    and, like what i always say to the JournTeam:

    never be bitter. just better. :D

    ReplyDelete
  12. Tingin ko, sa mga binitawan mong komento, pinagkaitan ka ng pagkakataong maunawaan ang ugat ng mga natitirang kalayaan na tinatamasa mo dito sa akademya (at ang ugat na rin kung bakit ginagawa mong napaka-personal ang laban ng STAND-UP at ISA).

    Ang masasabi ko lang, kung common sense lang naman ang paiiralin, hindi mahirap maintindihan na ang pro-tofi at pro-lab fee hike (o ang pananahimik tungkol dito) ay hindi akma sa interest ng estudyante na makapag-aral. Hindi rin mahirap unawain na ang Junk TOFI na panawagan ay para sa lahat ng estudyante, kasama na kayo sa ISA kahit pa ipinagpipilitan nyong ok lamang ang mga polisiya tulad nun. Hindi kailanman naging para sa STAND UP lang ang pagbabasura sa mga fee hikes at ang paglaban para sa tambayan. Common sense lang naman ang kailangan, hindi intelektwalismo, para tutulan ang pagtaas ng lab fees sa konteksto ng lumolobong pera sa korupsyon.

    Kung tutuusin, mas aksaya ng panahon at pera ang pagkokomento dito. Mas gugustuhin pa rin namin nang harapang debate at pagtatalakay. Kelan ba naman kami umiwas, e hobby na namin ang room-to-room at discussion groups.

    ReplyDelete
  13. JM, sa totoo lang, nakakalungkot kung ang personal na pagkapika na lamang ang paghuhugutan ng pambabatikos sa STAND UP. Mabuti ba naman sana kung ang pagkagalit sa STAND UP ay nagmumula sa tunay na kagustuhang ipagtanggol ang interes ng mga estudyante. Ang lumalabas kasi, pinagmumukhang pulitikal at ideolohikal ang laban ng dalawang partido, e kung tutuusin hindi ko pa rin mawari (at ng marami pang iba) kung ano nga ba ang prinsipyo ng ISA.
    Mabuti sana kung in-acknowledge ang pagkakatulad ng proyekto ng dalawang partido bilang sign ng parehong pagsipat sa mga pangangailangan sa college. Kaso ginamit pa ito pa siraan ang STAND UP at para i-affirm ang “UNA sa serbisyo” na moda na nakalagay sa malaking tarp nyo. Ang masasabi ko lang, hindi kailanman paunahan sa proyekto ang labanan sa konseho. Tanong lang ito kung naglilingkod ba talaga sa mga estudyante ang mga proyekto at prinsipyo ng isang partido o hindi.

    ReplyDelete
  14. i took it out to edit out all the negativity from our bright yellow lives. meant every single word of it though, just not worth my time.

    ReplyDelete
  15. To Mai, Absie and Carlos, the whole point is this: why is STAND-UP CMC always eager to label ISA's projects as BAND-AID solutions, as short-term goals that do not serve the needs of the studentry, when in fact you have the same programs in your GPOA as well? The hypocrisy is just overwhelming, because obviously, you can't say that you abhor something yet you offer the same programs to the students.

    Absie, about CoffeeWrite, I'm sorry but I feel strongly about this one. You can ask Pat, you can ask our slate last year, you can ask every Journ room we've discussed our projects with. We can argue all day and night about who came up with what, but the fundamental question still remains: band-aid projects? Check.

    ReplyDelete
  16. hi jm! isa ka sa mga taong masarap bigyan ng educational discussions. well, as of last night, i think the mass comm students who were present during the meeting de avance will affirm that isa smelled a lot like alyansa, with your slogan that you fight for greater state subsidy but you well approve of STFAP and other tuition increases that legitimize the and normalize the government's state abandonment of education and of other basic social services. napaka inconsistent. contradicting and well, your gpoa is something you are proud to disseminate to the students, pero I believe and I have proven, you cannot defend before our faces. it only proves that your accusations that we copied your gpoa is nothing but baseless and malicious. while you resort to this kind of mechanisms to probably increase your leverage in this struggle, we trust the students’ judgment that they will not settle for phrase-mongerers and sloganeerers who look good in paper and tarpaulins but not during actual debates. UNA SA PROYEKTO? ANONG PROYEKTO? UNA SA SERBISYO? KAILAN? I guess now we should campaign against misinformation. Right? (evil laughter).
    for your information, we are thankful somehow sa inyong pag-unlad sa mga nakaraang taon, now you just don’t only settle for make-up sessions (that im sure the students are capable of learning without your help, thank you very much); alam niyong tunay na interes ng studyante ang mga tambayan ang mga consultation, etc. ITO ANG MGA LINYANG BINITBIT NG STAND UP, ITO ANG MGA BAGAY NA PINAGTAGUMPAYAN NG STAND UP SA MAHIGPIT NA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA HANAY NG MGA ISKOLAR NG BAYAN. We recognize that our programs (as stated in our gpoa and spoa) are just tactical and strategic struggles that we need to raise our fights to the next level. Hakbang-hakbang tayo na pinagtatagumpayan ang mga bagay-bagay. And sorry, malaki ang mga pagkakaiba natin—sa ideolohiya, teorya, higit sa lahat, sa GAWA.

    ReplyDelete
  17. hi jm! isa ka sa mga taong masarap bigyan ng educational discussions. well, as of last night, i think the mass comm students who were present during the meeting de avance will affirm that isa smelled a lot like alyansa, with your slogan that you fight for greater state subsidy but you well approve of STFAP and other tuition increases that legitimize the and normalize the government's state abandonment of education and of other basic social services. napaka inconsistent. contradicting and well, your gpoa is something you are proud to disseminate to the students, pero I believe and I have proven, you cannot defend before our faces. it only proves that your accusations that we copied your gpoa is nothing but baseless and malicious. while you resort to this kind of mechanisms to probably increase your leverage in this struggle, we trust the students’ judgment that they will not settle for phrase-mongerers and sloganeerers who look good in paper and tarpaulins but not during actual debates. UNA SA PROYEKTO? ANONG PROYEKTO? UNA SA SERBISYO? KAILAN? I guess now we should campaign against misinformation. Right? (evil laughter).
    for your information, we are thankful somehow sa inyong pag-unlad sa mga nakaraang taon, now you just don’t only settle for make-up sessions (that im sure the students are capable of learning without your help, thank you very much); alam niyong tunay na interes ng studyante ang mga tambayan ang mga consultation, etc. ITO ANG MGA LINYANG BINITBIT NG STAND UP, ITO ANG MGA BAGAY NA PINAGTAGUMPAYAN NG STAND UP SA MAHIGPIT NA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA HANAY NG MGA ISKOLAR NG BAYAN. We recognize that our programs (as stated in our gpoa and spoa) are just tactical and strategic struggles that we need to raise our fights to the next level. Hakbang-hakbang tayo na pinagtatagumpayan ang mga bagay-bagay. And sorry, malaki ang mga pagkakaiba natin—sa ideolohiya, teorya, higit sa lahat, sa GAWA.

    ReplyDelete
  18. "it only proves that your accusations that we copied your gpoa is nothing but baseless and malicious" ----- Seriously, you believe that?After one week and after using almost the same words, we are now malicious and we don't have proof? Excuse me. Mas tanggap ko pa ang argument ni Carlos.

    Increase our leverage in this struggle through misinformation? Sorry, we don't resort to that. Defend the OSR? Kayo lang gumagawa nun, we do not stoop that low. We do not have to make noise about the things we do just to grandstand, para may maipakitang pagiingay na ginagawa. Results?

    And again, do not belittle the things normal students worry about. Just because you think differently and have other priorities does not give you the right to trivialize the concerns of others. Walang may monopolya ng tama. Respeto lang.
    
    Tambayan? Don't even try to claim this as your victory. And don't use "victory of the students" as your subtle way of claiming it. Pinagtagumpayan? If anything, you have caused the delay of the tambayan construction. You think that the admin is working on this because of your protests that don't actually even get to them? The Student council has worked on this for so long, and it does not belong to one party. And, if you really want to go there, don't, because it does not belong to yours.

    Muli, hindi nasusukat ang gawa sa ingay.
    Respeto lang sana, bago niyo maliitin ang mga pinaghihirapan ng iba.

    ReplyDelete
  19. Hi karol, excuse me. you just insulted the majority of the students from Luzon hanggang Mindanao who voted to uphold the document that guides the selection of the Student Regent. Please tell them yourself na misinformed sila. In essence you are saying that mali ang naging kapasyahan nila. Tell me the negative repercussions of a YES vote and prove me wrong and prove the 63% of CMC students wrong, thus, the majority of the ISKOLARS NG BAYAN wrong.
    For your information, (dahil hindi ka naming nakita buong taon, ngayong elections ka lang nagpakita) just to point on another baseless and malicious accusation, the students’ clamor actually reach the admin, actually, kay President Roman pa nga e, keri? Last July 31, 2008 the concerns of the students are collated and submitted for review of the Board of Regents. So don’t tell us that we don’t raise student concerns to the admin.
    Kung sa ingay at ingay lang. We are proud of our principles and would go to different venues—rtr, org-to-org, even in this multiply account to air out our stand on specific issues, all year round. Because we are a comprehensive alliance and not an electoral machinery.

    ReplyDelete
  20. Ah. So okay lang for Stand-UP to bash us dahil mababaw daw projects namin, pero hindi namin pwedeng idefend ang relevance ng mga ito.

    Or, pwede rin kami chakahin ng Stand-UP dahil pareho daw kami ng avatar ng Defend the OSR campaign, pero hindi namin pwede sabihin pareho ng GPOA niyo ang GPOA namin.

    ReplyDelete
  21. Simple.

    Oo, misinformed sila. Oo, nagkamali sila.

    ReplyDelete
  22. Ah. So okay lang for Stand-UP to bash us dahil mababaw daw projects namin, pero hindi namin pwedeng idefend ang relevance ng mga ito.

    Or, pwede rin kami chakahin ng Stand-UP dahil pareho daw kami ng avatar ng Defend the OSR campaign, pero hindi namin pwede sabihin pareho ng GPOA niyo ang GPOA namin.

    ReplyDelete
  23. so many words, but:

    "We recognize that our programs (as stated in our gpoa and spoa) are just tactical and strategic struggles that we need to raise our fights to the next level."

    So you admit that they were copied. Goodbye.

    ReplyDelete
  24. Exactly. If everyone believed that the world was flat, would saying it was round make you wrong? Stupid logic, stupid comment.

    ReplyDelete
  25. but it doesn't end there!

    nagkamali sila kung nagkamali, but let's not forget na

    NAGKAMALI SILA DAHIL MALI ANG information na binigay if not forced on them by the defend the OSR alliance...

    ReplyDelete
  26. AND SALAMAT kasi inamin mo rin na band-aid programs rin ang GPOA nyo. OKAY! End of discussion. Yun lang naman ang gustong marinig ng mga tao. =)

    ReplyDelete
  27. And, pwede ba, bago nyo ako i-accuse na unethical (na, I'm sorry, napaka-thoughtless na tanong lang sa miting de avance), paki-check muna ang ranks nyo dahil mayroon yata kayong underground committee na solely ganito ang purpose, keri?

    ReplyDelete
  28. Hindi ako STAND-UP ha, at nagsasalita ako bilang aking sarili regardless of my affiliations, pero ang harsh naman ata nito. Hindi ako makakapaniwala na sa pamamagitan lamang ng isang kampanya ay magagawa mo nang i-misinform ang MAJORITY ng mga mag-aaral sa UP, luzon hanggang mindanao. insulto ito sa kakayahan ng mga mag-aaral na magpasya kung ano sa tingin nila ang makabuti para sa kanilang mga interes bilang estudyante. ang mga estudyanteng ito ay nagpasya na sa kabila ng marungis na pulitikang bumabalot sa magulong GASC taun-taon, gusto nilang TIYAKIN na makauupo ang kanilang kinatawan sa isang tagibang na lupon na kung tawagin ay BOR (na sa mga nakaraang taon ay pumabor sa mga palisiya na hindi makestudyante). Sa tingin ko, ang track record na ito ng BOR, at ang track record ng SR na tumutol sa mga ito, ang nagbunsiod sa mga estudyante ng bumoto ng YES. Alalahanin mo nung bumoto ka na mayroong mga papel sa ballot box na nagpapaliwanag kung ano ang implikasyon ng kanilang pagboto ng yes or no. para bang sinasabi mo na madaling bolahin ang isipan ng mga mag-aaral. Pakibalikan ang kasaysayan ng Student regent, lalo’t higit yung mga panahong isinusulong pa lamang ang pagtatatag nito. Ano ba ang mga interes sa likod ng pagtatayo nito? Tulad ng pagboto ng yes ng mga mag-aaral noong enero, ang pakikipaglaban ng mga mag-aaral pra sa OSR ay inananak ng pagnanais na mapakinggan sila sa harap ng isang pamunuang binibingi ng mga hungkag na tinig. Alam yan ng mga bumoto.
    bakit hindi tayo lumabas sa ating campus at tingnan ang resulta sa mga campus na nakararanas ng mas kawawang kalagayan sa atin sa diliman? Bakit kaya YES ang binoto nila? DAHIL DOON PINAKAKONGKRETO ANG PAGPAPABAYA NG PAMUNUAN NG UP NA IBIGAY ANG EDUKASYON NA NARARAPAT IBIGAY SA KANILA. SA MGA LUGAR NA ITO DAMANG-DAMA NG MGA MAG-AARAL ANG KAHALAGAHAN NA IGAWAD SA SR ANG KANYANG KAPANGYARIHANG MAGSALITA SA BOR, BAGAMAN LIMITADO. HINDI ba’t ang pagboto ng yes ng mga mag-aaral ang magpaparinig sa ibang miyembro ng BOR na bagaman iisa ang boses ng SR sa mga pagpupulong ay nasa likod niya ang sangkaUPhan?

    ReplyDelete
  29. I wouldn't say that so fast. I know thatvoting NO wouldn't undermine the OSR in any way, because the student regent would keep position.

    The one singular only (aba redundant, but I need it) reason that there was a referendum was because the Student Regent, a Stand-UP member, decided to reject a few proposals which other orgs and colleges had proposed. After promising to leave it to the students for a vote, which would have logically meant for a ballot including the proposals, and probably a yes or a no for each, she instead came up with an all-inclusive, overarching, and impossibly vague question: do you agree with the rules and regulations governing the OSR?

    Of course a YES sounds better. But only a NO would have forced for another referendum to take place, this time with all of the proposals.

    Please don't think that this is more than just misinforming the students. It's happened before. I'm not saying the students of UP were underestimated. I'm saying that the power of misinformation was.

    ReplyDelete
  30. Yeah, noted. I want an SR to sit in the BOR too.

    I would have voted yes just like you if the referendum was about KEEPING THE OSR.

    It's not. It's about the rules selecting the SR. Voting no wouldn't have abolished the OSR, contrary to what we've been told.

    In fact, if hypothetically speaking, we didn't reach the 50%+1 tally, SR Shan would have had the power to extend the referendum. Or hold another one. Even if the NO vote won, she would still have kept her position and her power.

    ReplyDelete
  31. whoa. hindi ka pa siguro natuto o talagang hindi ka mulat sa kasaysayan ng UP at sa mga intervention ng Admin pagdating sa mga policy making issues. hindi na siguro kelangang ulitin pa, pero heto: "DOON PINAKAKONGKRETO ANG PAGPAPABAYA NG PAMUNUAN NG UP NA IBIGAY ANG EDUKASYON NA NARARAPAT IBIGAY SA KANILA. SA MGA LUGAR NA ITO DAMANG-DAMA NG MGA MAG-AARAL ANG KAHALAGAHAN NA IGAWAD SA SR ANG KANYANG KAPANGYARIHANG MAGSALITA SA BOR, BAGAMAN LIMITADO." - jumeyemako

    siguro ay kailangan pa ng lubos na pagrerebyu (at pagrerebisa) ng iyong political arguments. At hindi katangahang isipin na ang pagsasabi sa desisyon ng mayorya ng mga estudyante ay bungad ng maling impormasyon at isang pagkakamali ay isang insulto. buti na lang at hindi nanalo ang ganitong klaseng kakitiran ng mga nagkampanya ng "NO" noong CRSRS. at hindi rin ito mananalo ngayong napipintong eleksyon, sa CMC man o sa kalakhang unibersidad.

    ReplyDelete
  32. Sorry ha ngayon ko lang nakita'to ang I don't want to comment on the main issue dahil involved ang closest friends ko dito. For the sake of neutrality, I remain mum.

    Ang gusto ko lang sabihin ay:
    NAG-YES AKO SA SR REFERENDUM THING NA 'YON.

    At hindi 'yon dahil naimpluwensyahan ako ng Stand Up o ano. I considered voting NO too, but I made my decision. Ang gusto ko lang, please respect the results. Naiinsulto kasi ako na parang sinasabi n'yo pang mali kami, 'di ba? Parang bang you're smarter than the majority of students. Pwedeng totoo, pwede din namang hindi. Pero wala tayong ways to measure that right now. So sana RESPETO na lang, pwede? Tapos na e.

    Alam ko desisyon ko at ang reasons ko ay hindi completely katulad ng reasons ng ibang nag-yes. I just don't want other people telling me I was just swayed by propaganda. In a democracy, leaders are merely REPRESENTATIVE authority, voted by the majority. Kung tama sila o mali sila sa katotohanan, na-settle na 'yon ng numbers. Kumbaga, ang tama o mali ginagawan ng sagot. AT NGAYON, ITO ANG SAGOT: YES.

    ReplyDelete
  33. At kilala n'yo ako, hindi ako tibak at critikal din ako madalas sa kanilang ideology. I have a greater tendency to side with ISA on many issues. Nakakalungkot lang na nale-labelan tuloy ang desisyon ko agad na PULA. Ano'ng proof n'yo na nadala lang kami ng inyong so-called misinformation? Reminder lang, matagal nang na-disprove ang Hypodermic Needle Theory. Communication students kayo, alam n'yo 'yan. Ang audience ay nag-iisip rin.

    ReplyDelete