Sunday, March 8, 2009

Maipagpag Lang

Typical me, in-abandon na naman ang blog.  Chos!  Hahaha.  Habit na nga ata 'to, yung sisimulan ang bagay, tas di na itutuloy.  "Lahat na lang ng bagay hindi ko tinatapos (Cansino, 2009)."

Heeeemingway, tama na ang ma-modang intro.  Blog ko toh bakit ba, at choice ko kung ia-update ko sya o hindi.

Gusto ko lang magpagpag ng emosyon ngayon, largely due to the UP Streetdance Concert I watched last night.  The concert was entitled "Crossroads," and as such, parang 'dun nag-revolve ang buong show, sa pagiging nasa gitna ng mga bagay-bagay, coming-of-age, maturity, existentialist angst, ganyan.

Speaking of angst, hindi ko talaga nagustuhan ang angst ng mga bagay-bagay sa concert kagabi.  I mean, it's bad enough (for me) na nagmukhang Trumpets play yung show, 'tas ginatungan pa ng isang segment na kung sa'n walang ginawa ang mga nag-perform kundi maglabas ng angst sa mundo.

"Hindi nyo ko pinapansin kahit pagod na pagod na 'ko sa 'skwela!"

"Ginagawa ko naman lahat ng gusto nyo, pero wala pa rin."

"Pagod na pagod na'ko!  Ayoko na!"

"Kelan ba ko makakapamili ng landas na gusto ko?"

"Palagi na lang tayong nag-aaway, kelan ba 'to titigil?"


YES, ano, Streetdance concert po ang pinuntahan ko, mga kaibigan, bago tayo malito lahat.  Don't get me wrong, I have nothing against what UP Streetdance did with their concert last night, and alam ko naman na parang Christian org na rin ang labas ng Club ngayon.  Sige, pwedeng factor rin na medyo non-believer ang stage ko ngayon, kaya siguro medyo I was thrown off-center because of some segments.  Pero ito talagang portion na paglalabas ng angst, hindi ko kinaya.

Okay lang sana kung siguro mga apat o lima ang nagsalita.  BUT NOOOO, lahat ata sila naglabas ng angst.  May mga umiiyak pa.  Mga trenta ata silang ganun, as in puro angst lang.  Again, don't get me wrong, alam kong lahat tayo may angst sa buhay, alam kong kailangan rin yan ng release.  Pero a streetdance concert?  Given, umaayon sya sa theme, pero hindi tamang venue!  Aaminin ko, na-turn off rin ako kasi alam kong angst ko rin yung mga pinagsasasabi nila, pero a Streetdance concert?  I certainly did not expect that, kaya ako ganito ka-disappointed ngayon.

Isa kasi sa mga natutunan ko sa counselling before is never to open any issues na hindi mo kayang isara.  Kung may taong nag-o-open-up sayo, or kung may gusto kang kausapin na tao about something, make sure that when you can open the can of worms you can close it too.  Provide resolutions, try to solve the problem, or at least make sense of all the angst.  BUT NOOOO, ito, walang resolution.  Parang distraction lang yung next few segments, pero hindi naman talaga na-resolve.  Ano lang ang in-offer? "When I joined Streetdance Club, nagbago ang buhay ko, naniwala ako sa Kanya."  Parang... WTH?!  O, yung mga angst, pano na?  Lingering na lang, ganon?

The whole show tuloy, sirang sira ang utak ko.  As in, ang sakit nya sa ulo.  Hindi na'ko naka-concentrate masyado sa kagalingan ng Streetdance na sumayaw.  Parang, every segment hinihintay ko na lang na i-close sana nila yung issues na yon.  Sobrang nega kasi eh!  Hindi magandang feeling sa audience.  I mean, fine, production nila yun, bahala sila kung anong gusto nilang gawin.  Pero you have an audience kasi eh, kung sila-sila lang yun keri lang.  Kung alam sana namin na may ganun, edi sana na-expect namin kahti papano, nakapag-adjust kami ng schema.  But nooo, gulatan ito 'te, ang hirap.  Ang hirap hirap (Curtis, 2008).

'Yun lang naman.  Naglalabas lang din ng angst.  And to close this issue, nais kong i-congratulate ang UP Streetdance for a job well done!  Kaya nyo namang ipalaganap sa mundo na mahal nyo ang diyos without being too explicit like that.  For all we know, there could be people of other religion sa audience, pano na sila?  Yun lang naman.  Alam kong hindi nyo responsibility ang i-account lahat ng audience, pero sana may effort man lang.  Medyo nakaka-alienate ang panonood nang ganon.  Yun lang po.

*Pasensya na po sa angst.  Again, I have nothing against UP Streetdance, show nila 'yun.  This is just a mere personal reaction as an audience member.  K?

1 comment:

  1. Ang heavy nga. And very true with the walang closure ang inopen nilang problema. =/

    ReplyDelete