Sunday, February 1, 2009

Aaminin Ko Na...

Pebrero na.  Panahon na naman ng Pag-Ibig.  At alam kong kagagaling ko lang sa isang sakit, pero hindi ko mapigilan ang pinipintig ng aking damdamin.  Matagal rin bago nagpaligoy-ligoy ang bagay na'to, pero walang dahilan para hindi pa harapin.

Oo, sige, aaminin ko na.  Pumasok na naman ako sa isang relasyon.  Akala ko hindi ko kaya, akala ko hindi dapat, pero wala akong magawa.  Ganun kalakas ang epekto niya sa'kin, ganun ako tinamaan sa kanya, na nakaya kong lampasan ang sakit na katatapos lang.  Akala ko hindi ko makakaya, akala ko pahahabain ko lang ang ilang-linggong taguan at ligawan, pero bibigay rin pala ako.  Mahina ako, at nakuha niya ako.

Aaminin ko rin, sandali pa lang kami, wala pa nga atang isang linggo, pero medyo nahihirapan na rin ako.  Kapag kinakausap ko siya, madalas hindi kami magkaintindihan.  Oo, marami kaming mga bagay na parehong gusto, pero madalas rin ang miscommunication.  Pero gaya ng natutunan ko sa nakaraan relasyon, normal lang naman 'yan.

Matagal na rin siyang nasa buhay ko, mag-iisang taon na.  Pero ngayon lang niya pinadama ang pagmamahal niya sa'kin, kahit na alam ko sa sarili ko na noon pa man mahal ko na siya.  Oo, kahit meron pa akong ka-relasyon noon, pinagtutuunan ko na rin siya ng pansin.  Alam ko na rin sa sarili kong mahal ko siya.  Minsan naiisip kong mali, pero naiisip ko na lang, ano bang mali sa pagmamahal?

Sandali pa lang kami, pero medyo nahihirapan na rin ako.  Kumplikado ang sitwasyon namin, hindi ko maipaliwanag.  Kaya 'to.  Kakayanin.  Alam ko namang kahit anong mangyari, maganda ang kakalabasan ng relasyong 'to.  Handa kong pagtrabahuhan, dahil sa huli para sa ikalalago ko rin naman ito.

Mahal ko siya.  Minsan iniisip kong hindi, pero alam ko naman sa loob-loob mahal ko talaga siya.  Minsan naiisip ko rin kung mahal nga ba talaga niya ako.  Pero habang lumalaon ang araw pinapatunayan niya sa'kin na kahit mahirap ang sitwasyon namin, mahal niya talaga ako.

Mga friends, mga multiply contacts, mga mambabasa, gusto kong ipakilala sa inyo, si Timmy...



































...ang aking Time-Consuming Thesis.  1 week na kame!!!  Hindi ko alam kung hanggang kailan kami tatagal, kung forever na ba talaga 'to, pero sana in two months' time break na kami, please Lord!  Ayoko nang patagalin pa!

Hehehehehehehe.

26 comments:

  1. Ang drama lang! Break a leg, JM! Kaya mo yan!

    ReplyDelete
  2. wahaha. ay nakuuu ayoko na pangalanan thesis namin. baka mamatay din ng hindi inaasahan. si Uno kasi, yung una kong laptop db? awts. bigla ako iniwan. huhu nwei, hi Timmy! best wishes sa pakikipagrelasyon kay JM! hihi

    ReplyDelete
  3. haha kami naman ni Dyan may pinaghahatiang karelasyon. Meet CJ :d hehehehehe at sana rin in two months, break na kami ni CJ. Dahil tulad mo, ayaw naming patagalin ito! :P

    ReplyDelete
  4. sus kala ko naman kung sino, sasabihin ko pa naman na dahil lang sa mercury retrograde (na tapos na as of Feb 1) kaya kayo may miscommunication hehehe~

    ReplyDelete
  5. "Lukaret" ka talaga. Bigyan ko kaya ng pangalan ung textbook ko ano? :))

    ReplyDelete
  6. HAHAHAHAHAHAHA. :-)
    Timmy meet Maxxie.
    Naway hindi ka kasing demanding.

    ReplyDelete
  7. hahaha madrama talaga ang buhay eh! thanks fritz ;)

    ReplyDelete
  8. HAHAHAHA. Alam mo naman kame mahilig mag-pangalan ng kung anik-anik. :p

    ReplyDelete
  9. Hahahaha Love Triangle! Let's go! :D

    ReplyDelete
  10. TIMMY HAHAHAHA ANO BA YAN. nakow baka maattach ha. at baka mahirapan i-let go

    ps hello timmy!

    ReplyDelete
  11. nyak. pinapangalan na pala ang thesis ngayon. dyahe lang dahil man's name. hehe. peace jm. :)

    ReplyDelete
  12. Hahaha. Asexual naman ang thesis eh. Pwede rin Bisexual. Nyahahahahaha. =))

    ReplyDelete
  13. HEY! What's that supposed to mean??! =))

    ReplyDelete
  14. Haha, wow, violent reaction much? Haha. It means, mahilig ka sa mga ganitong padrama effect tapos lurlur lang pala. Hahahaha! Speaking of lurlur, yan na nga ang thesis. Lurlur nang bongga.

    ReplyDelete
  15. HAINAKO, Lurlur to the nth level talaga! Onti na lang magkakaroon na ng bagong specialty sa canteen: JM's Brain Soup. Hahaha.

    ReplyDelete