Wednesday, November 5, 2008

Kami Ulit.

Hindi ko alam kung bakit pumayag pa'ko na makipagbalikan.
Hindi ko rin alam kung bakit alam ko sa sarili ko na kahit ilang beses nya kong gaguhin, alam kong babalik at babalik pa rin ako.
Minsan, siguro, matatawag akong Tanga dahil ganito ako.
Gago, kasi ako na nga ang ginagago eh sige pa rin ako, tanggap pa rin.
Martir, kasi tinitiis lahat ng pasakit.

Pero gaya ng sabi ng isang kaibigan, kapag ikaw na ang nasa relasyon, wala nang tanga-tanga, wala nang gago-gago.
Ibang-iba na ang rules of the game.  Minsan pati laro iba na rin.
Mahirap ipaliwanag, at hindi ko na susubukan pang ipaliwanag.
Hindi ko na rin ija-justify kung bakit ko pa tinanggap.
Hindi ko na rin susubukang ipaintindi sa lahat ng tao yung mga dahilan nya.
Kasi sa totoo kahit ako hindi ko pa rin lubusang naiiintindihan.
Kaya kahit di ko naiintindihan, tatanggapin ko pa rin.  Tatanggapin ko na lang.
Oo, nasaktan ako.  Nang bonggang bongga.
Pero hindi ko alam... hindi ko alam kung bakit hindi mabura ng sakit ang pagmamahal na habambuhay na atang nakaukit.
Minsan, siguro, sa buhay ng isang tao, kapag nakita na nya ang tunay na mamahalin niya...




...hinding-hindi na niya pakakawalan ito.  Kahit ano pa mang mangyari.  Kahit ano pa mang sakit ang dumating.  Kahit ano pa mang pagsubok ang harapin.

*Nagkausap na kami kanina.  Mga tatlong oras na pag-uusap rin 'yon.  Nailabas lahat ng sama ng loob, lahat ng sakit na naidulot.  Humingi ng kapatawaran, at nagbigay ng kapatawaran.  Gaya ng sabi ko hindi ko lubusang naiiintindihan ang mga sakit na dinulot niya sa'kin.  Pero ewan, mahal na mahal na mahal ko siya.  Hindi ko kayang mawala siya.

Maraming agreements ang napag-usapan.  Like, susubukang kontrolin ang emosyon, at titigil sa pagsasalita kung wala namang magandang masasabi.  Marami rin akong sama ng loob na nailabas.  Kompromiso, kompromiso.  Sabi ko rin, hindi muna ako titira kasama siya, kasi kailangan ko ng panahon para maghilom.  Pumayag naman siya.

Ngayon, talagang bahala na.  Sana maging maayos na.  Oo, magkakaroon at magkakaroon ng problema, pero generally sana maayos pa rin.

4 comments:

  1. Imported yakap. (Don't worry, it's duty-free.) Wala na akong sasabihin... Except... Next time ba, tatlong cake na? Hehehe. Pinapangiti ka lang. :)

    ReplyDelete
  2. Alam kong darating 'tong time na 'to. Mahal mo siya ng sobra kaya alam kong hindi mo iindahin ang pagpapatawad para sa kanya. At since aware ka naman sa ginagawa mo, at slight pagpapakatanga sa mga bagay-bagay, hindi na ko magde-devil's advocate, Friend.

    Mahal kita. Kung yan ang magpapasaya sa'yo, go lang. Andito lang ako. Andito lang kami ni Elsie... Whatever happens.

    ReplyDelete
  3. sana simpleng-simple ang paliwanag. pero hinde, at alam kong wala namang ibang makakaintindi kundi ako.

    pagmamahal, friend, pagmamahal. kailangan ko kayo talaga nang bonggang bongga. salamat, salamat!

    ReplyDelete
  4. Salamat, Mics! Hahaha. Nako, sana nga hindi na lang nangyari ang lahat para tatlong cake talaga! Hehehe.

    ReplyDelete