Thursday, August 2, 2007

The Dismal State of Philippine Collegian Today

I just came home from a contract signing with Inquirer Publisher Isagani Yambot (read: I was late!  Kahiya!).  I gotta give it to that man!  He was very down to earth and very approachable.  He even had some McDo merienda delivered for us!  Haha!

Photo-ops and some kamustahan transpired.  He was really talking like our father and us his children (haha tama ang Daddy Yammy Yambot!  Pero more like Lolo!  Hehe sana hindi nya to nababasa =P).  Had a lot of laughing moments, like this one:
JM: Sir sa Inquirer po ilang beses na na-stop ang press?
IY: Umm... onti pa lang, siguro mga once or twice.
Claire:  Ah yah I remember sabi ni Ma'am Khan sa US daw twice pa lang na-stop ang press, yung when Titanic sank and when namatay si JFK.
IY: Sino?
Claire: JFK po.
IY: Ah akala ko GMA eh!  *laughs*
*everyone laughs*
Haha.  He was sooo cool.  He even proposed a dinner with other Inquirer scholars.  Haha!  Looking forward to that.

Anyway, after much talking we landed on the topic of our campus publications.  Royce took out a copy of the Collegian and Sir Yambot asked how it was doing.  To our surprise, all three of us Iskos and Iska had only one answer: progressive, STAND-UP, somehow leftist.  We told him it was red, and he noticed how it was literally red (because of the cover).

UE had the same situation, where oppositionists dominate The Dawn (tama ba?).  UST's Varsitarian, on the other hand, is somehow having problems with the intervention of their administration.

I find it somehow sad how the Collegian has become ultra-progressive nowadays.  Everything is tinted with a tinge of red.  You find it rare to find articles there about student and faculty achievements, developments in discipline, academic milestones.  I mean, these are--just as much as the nation's issues are--important facets of an iskolar's life.

Remembering I grabbed a copy of the Collegian this morning, I took it out on the bus on the way home.  The first article I read was about how the stand of the USC about TFI and STFAP took so long to be agreed upon.  While I do not condone the administration's railroading and subsequent implementation of the said measures, I find it quite pathetic for the Collegian--headed by a Journalism major, no less--to be unfair on ideas and opinion not in accordance with theirs.

Just look at these paragraphs in the USC article:
"USC vice chairperson Viktor Fontanilla, member of Alyansa ng Mag-aaral para sa Panlipunang Katuwiran at Kaunlaran (Alyansa)..."

"Fontanilla and his Alyansa colleagues in the USC..."
While I am not a member of Alyansa myself, I find it appalling that they had to mention, and furthermore stress, someone's affiliation just to highlight a dissenting opinion.  I look at Shan Abdulwahid's (USC Chair) and Sarah Cabrera's (USC Councilor) names and just had to ask why they have not been labeled as members of STAND-UP?  Ano 'to, dahil kabilang party sila parang outside of the USC na sila?  Why such discrimination?

Apparently, there are some who are really disappointed with the Collegian, and they haven't failed to make their opinion heard.  They had the guts to tell it to Collegian's face (and everybody's faces behind Collegian, for that matter).  Some Mr. Ponce wrote quite a few issues back about how he viewed the Collegian as targetting the so-called elitist students of UP through one of its published articles.  The editor in chief published a rebuttal.  Here's a reaction from the current issue:
"Elitist or not, Mr. Ponce is a UP student, is he not?  I thought the Collegian was supposed to stand up for the collective views of the students.  It's unfair to gang up on Ponce, and others who think along his line, just because he espouses different views and comes from a different background.  We are all entitled to our ideas.  We're free to think outside popular opinion.  Mr. Ponce's guts in expressing his seemingly unpopular views is commendable.  Hail to the free exchange of ideas!"  -Carmela, UP Law
Where can you find a campus publication so critical of the nation's leaders?  Only in UP.  But somehow the Collegian has gone a bit far.  Where can we find updates on what's happening at the school?  There are meaningful events that could have been covered by the Collegian.  Issues are important, but they're not the only ones that are important to a student's life, more so an Iskolar's life.  Why has the Collegian deviated so far?

Another text message sent to the Collegian asked why they have not published an article about the death of a certain Psychology professor.  Why, because it doesn't matter?  What is the Collegian's concept of news?  As far as I can see, all the Collegian publishes are views.  And, quite sadly, views by only a small percentage of the entire UP community.  Aren't we supposed to be entirely represented in the Collegian?

Mimi asked why we can't have a school paper like the Guidon of Ateneo.  Sadly, all I could say was that the Collegian is very different in nature from the Guidon.  The Collegian has been through a lot of things, including being a bastion of press freedom during the Martial Law years.  But, I ask, isn't the Collegian going too far?  Three years ago it wasn't like this.  Three years ago there can still be a hint of decency I can give for the Collegian.  Three years ago I willingly take home three copies of the Collegian to give out to my friends, who are members of their respective school's publication.  Now I don't think I could gladly do the same.

The Collegian, sad to say, has really become a lip service, reduced to a tool used by a mere fraction of the entire studentry.  Not all students in UP has the same view as the Collegian.  While I find it noble their fight and coercion of the government to pay attention to education, sadly, all I can say is, sometimes we are too immersed with ideals that we fail to see what is real.  The times have changed.  And the present University Student Council is a sign of that change.  For years one party has dominated the USC.  Now another party is gathering clamour and support from the studentry.  Shouldn't they take that as a sign?

And what could the Collegian say when the fight against TFI and STFAP fails?  Students studying in UP can no longer be called "Iskolar ng Bayan" because they dish out their own cash to pay for their education.  Can they be compelled to adopt such views?  "Ang Iskolar ng Bayan, may alam, may pakialam", sabi ng isang famous line ng STAND-UP.  Pano 'pag wala nang Iskolar ng Bayan?  (Na hindi malayong mangyari)  Ang mga estudyante ba ang kailangang tumanggap ng kung anuman ang inilalathala sa Collegian?  O dapat bang ang Collegian ang mag-adapt para sa mga pinaglilingkuran nito, ang mga estudyante?

Pula lang ba ang kulay ng aktibismo?

No wonder not many journalism students are interested to join the Collegian.  They don't espouse and live the journalism we see, breathe, and feel everyday.  "Relevance, Context, Integrity," sabi ni CheChe Lazaro.  Yun yon.

Just thinking out loud.  My opinion.

27 comments:

  1. mr tuazon, dq agrees with you. *nods head enthusiastically*

    ReplyDelete
  2. ditto ditto ditto. pero just wait; i think something's coming up (aside from Tinig) that'll cover what the Kule has failed to cover. details unsure, but just wait.

    btw, di ba Philo prof yun?

    ReplyDelete
  3. Rach, sabi sa kule propesor sa sikolohiya daw eh, hehe. Uy anu yang coming up na yan? Parang na-excite naman ako! Hehe.

    Thanks jerome! =)

    ReplyDelete
  4. "...sometimes we are too immersed with ideals that we fail to see what is real."

    saktong-sakto.:P

    ReplyDelete
  5. um, i think the reason we fail to see what is real is that we are too immersed with our social construction of reality, not that we are too immersed with our ideals..

    btw, the student council plans to have a Kule talk in september. We'll invite Mr. Jerrie Abella as our guest..

    ReplyDelete
  6. I can't believe you think this way.
    More, JM, more!

    Yep, I too am dismayed by the state of our paper.
    As Dana said, go Tinig?

    ReplyDelete
  7. Carlos, it's so easy to see what is real. Just open your eyes, as well as your mind.

    Oi, abangan ko yang Kule talk na yan! =)

    ReplyDelete
  8. Jm, matagal kong pinag-isapan kung sasagutin ko ba to o hindi, at ngayon napagtanto ko na dapat ko nga itong sagutin dahil kung mananatili lang akong tahimik para sa akin ay pagtanggap sa mga argumento mo.

    Una, para sagutin yung sa isyu ng pagbanggit ng alyansa ngunit ang stand up ay hindi (nabasa ko ang artikulo), hindi ako parte ng collegian pero wala akong nakita na pagkondena sa alyansa. Ipinakita lamang ang stand nila, bakit mo inisip na kinokondena sila? Marahil, kaya mo naisip ito ay dahil alam mo sa loob mo na ang paniniwala nila na DAPAT tumatanggap ng subsidyo ang UP (at ang sektor ng edukasyon sa kabuuan) kasabay ng paniniwala nila na dapat lamang ang ToFI at kailangan na lamang ayusin ang STFAP ay mga ideyang nagtutunggalian. Ang USC ay siyang dapat nangunguna at kasabay sa mga laban na maka-estudyante at makamasa.

    Ikalawa, oo may mga tumutuligsa nga at ang iba ay nalulungkot sa kalagayan ng kule ngayon. Pero, anong dahilan? Dahil ba sa pagiging "pula" ng kule, sa paglalabas nito ng mga istorya na hindi pinapansin ng mainstream media, sa paglalabas nito ng mga isyu na pumupukaw sa mga istudyante na kilalanin ang kanilang mga karapatan sa lipunan? Kailanman ay hindi boses ng represibong gobyerno ang collegian ang katapatan nito ay sa mga istudyante. Hindi ko maaatim ang isang kule na walang pakialam. Sa mahabang kasaysayan nito ay nangunguna sa paglaban sa mga hindi makamasa at hindi maka-estudyante na mga palisiya at programa. "Is the Collegian going too far?", hindi, mahalagang papel ang ginagampanan niya, hindi pa ako nakakita ng magandang kule sa buong panahon na nasa peyups ako. Balang araw ay magiging alagad din tayo ng midya, alam natin na ito ay dapat watchdog, kasangkapan para maipahayag ang mga katotohanan sa lipunan lalo na at tayo ay nasa demokrasya. Ito ang ginagampanan ng kule.

    Para kay Carmela, ang kule ay hindi naglalabas ng "seemingly popular" views, gaya ng nabanggit ko noong una hindi ito kagaya ng mainstream media na ginegatekeep ang balita ng mga may-ari nito para sa pansariling interes at mga palagay na bebentang mga balita. Tila salungat ang pagturing sa mga aktibista na minority ngunit kinokonsidera na ang mga pinaglalaban nila ay sinasabing popular views. Madalas na sabihing ang mga aktibista ay maingay, ito ay dahil may sinasabi kami. Pakinggan ninyo ng maunawan ninyo.

    Para kay Junasis, ideals? Kailan pa naging ideals ang mga bagay na dapat talaga ay tinatamasa natin bilang mamamayan.Sa lipunan natin ay nananatili ang pagka-api ng malaking bilang ng anakpawis, mga magsasaka, mga kababaihan at kabataan ang mga lehitimong mga panawagan nilang mga nagdesisyon na tumayo at lumaban ay kinokontra ng mga reaksyonaryo at lalo pang tinatanggalan ng karapatan ng gobyerno. Bakit ang mga mamamahayag pinapatay, mga magsasaka tinatawag na terorista, mga kababaihan doble pang inaapi sa lipunan, mga kabataang hindi makamit ang edukasyon, mga urban poor na pinapakitang kriminal, mga "iskwater" na pinapakitang pampapangit ng lipunan at walang alam at mga katutubo na patuloy na inaagawan ng lupa ng IPRA na siyang dapat nagtatanggol dito. Anong batas ang para sa kanila? Sino ang boses nila? At paano maririnig ito?

    Kung yung bagong, publikasyon ay tatangkain na tunggaliin ang mga ipinakikitang katotohanan ng kule, para saan ba ito, para ba ipakita ang balitang "fair", parehas kanino.Ginagampanan ba natin ang tungkulin bilang mga mamamahayag na magmulat, at makatulong sa mga mambabasa na mapukaw at kilalanin ang kanilang mga karapatan o tutulong lang tayo na mapamanhid ang kanilang mga isipan at gampanan ang buhay na itinakda ng kasalukuyang sistema ng lipunan?

    JM, nag-aktibista ako dahil nakita ko na may mali, at bulok sa lipunan natin, maaaring ang ilan sa mga ito ay hindi ko nararanasan dahil medyo maluwag ang pamumuhay namin pero hindi ibig sabihin na hahayaan ko na lamang manatili ang bulok na sistema. May boses ako, may panulat at papel, gagamitin ko ito, para ipaalam ang katotohanan sa lipunan.

    ReplyDelete
  9. Mikas, salamat sa comment! I was actually waiting for a dissenting opinion to arise, at least kahit isa may nag-lakas loob.

    Hindi ko naman sinasabi na tama ang mga alegasyon ko. In fact, they are mere observations of one issue na somehow ay napansin kong, aba, parang hindi na yata tama ito.

    Gusto kong linawin na ang pagtuligsa ko sa Collegian ay base lamang sa mga natututunan natin sa CMC, sa Journ. Oo, ibang konteksto ang Kule pero sa alam ko, balita pa rin ang laman nito. At kung anuman ang balita, may mga pumapaloob na panuntunan don. Fairness. Balance. Hindi ko yun nakita nang kinailangan pang ilagay ang "Alyansa" doon.

    Sa totoo lang, maayos nga yung sumunod na issue. Medyo biglang bumalik sa "dating" kule. Hindi ko naman inaalis sa kule ang nakagawian na itong pagmumulat sa mga estudyante sa mga "realidad" ng lipunan. Ang akin lamang, ano ba ang "objective" ng kule? Para saan ba ito? Ano ba ang gusto nitong paratingin? Para ba ito sa komunidad sa paligid ng UP? Para ba sa mga estudyante? Para ba sa mga aktibista? YAN ang malabo sa kule. Pilit nitong hinahanap kung para saan ba sya, in the long run sacrificing those whom it's really intended for (whichever is which).

    Siguro dapat linawin ng Kule sa sarili nito kung para saan ba sya. It can't be slave to two masters at once. Right now it seems that the Collegian is a democratic paper, aimed at giving voice to the voiceless, but at the same time doubles up as the student's paper, trying, hard as it could, to serve the needs of the students. Hindi puwedeng double purpose because one aspect will always override the other. One aspect is bound to dominate, the other set aside. Yun lang siguro.

    Salamat Mikas! Nice to know buhay ang demokrasya sa web! =)

    ReplyDelete
  10. forgive my seeming lack of originally, but yeah..

    im nodding too.

    seems nga that what we've been learning so far in school seems to be different than what we find outside.

    side comment lang, i was invited to screen the applicants for the editorial staff of Kalayaan Dorm's Sigaw newsletter, which our 05 batch in Kalai helped found two years ago. The publication's adviser, who was also ours back then, was impressing to the applicants the need for a more "socially aware" type of newsletter making, at par or at least in the likes of Kule. According to her, it's time Sigaw really had a voice among the campus publications, and attempt to medicate the probably "apathy" in Kalai residents. No, she is not leftist or such, but I guess I understand her stance as a Phil. studies major.

    We had two choices for editor, one an ECE major, and the other, a Psych major. Despite misgivings, the dorm pub com decided to choose him.

    (habol ko yung kuwento later)

    ReplyDelete
  11. haha nakakatawa. wahhahaha.
    "sometimes we are too immersed
    with ideals that we fail to see what is real."
    oh so what is real? pls enlgihten us.

    ---------------------------------------------------

    ilang puntong nais ipahayag.

    You find it rare to find articles there about student and faculty achievements, developments in discipline, academic milestones.

    -hindi ba't ito na ang laman ng mga publikasyon mula sa UP admin (nesletter/forum) which alam naman nating hindi maglalabas ng mga masasamang balita ukol sa kalagayan ng UP.
    bakit hindi mo ba nakikitang achievement ng estudyante sa pinakasimpleng porma nito ang kakayahan ng isang organisasyon na makapagformulate at papaublish ng Anti-HSA or ANti-ToFI statement?


    But somehow the Collegian has gone a bit far.

    - pero hindi ba't ang krisis ng UP at ng mamamayan under the current regime ay malayo na rin ang inabot?
    my god, grabeng anti-student policies right under our noses.

    As far as I can see, all the Collegian publishes are views. And, quite sadly, views by only a small percentage of the entire UP community.

    - when you say UP community, isama mo na ang employees, at mga residente. small percentage ba ito ng up community? at nakakapagpublish ba ng mga publikasyon na may malawak na saklaw ang mga ito para mabasa ng mga students ang mga issues nila? again hindi naman iyan ipupublish ng admin publications.

    Issues are important, but they're not the only ones that are important to a student's life, more so an Iskolar's life. Why has the Collegian deviated so far?

    - sa bawat isyu ng kule, papatak lamang sa 12-16 pahina ang inilalathala nito. at sa napakaraming kaganapan sa UP , yung mga pressing na kaganapan pa nga lang andami na ano pa yung iba't ibang event at activities ng mga students at ibang sectors sa up community. kaya naman napakahalaga para sa mga bumubuo ng kule na piliin kung aling mga balita ang nararapat at mahalagang mapaabot agad sa mga estudyante. given naman at alam naman natin na ang issues ay mahalagang malaman ng students at gayundin ang iba pang mga bagay na source ng pagkatuto ng mga estudyante kaya naman may mga section naman ang kule para doon (kult,feats) at ang iba pang pangangailangan ng estudyante ay matatagpuan sa labas rin ng mga pahina ng kule.

    But, I ask, isn't the Collegian going too far? Three years ago it wasn't like this. Three years ago there can still be a hint of decency I can give for the Collegian.

    - pakilinaw term ba to ni jp colet or ni jayson fajarda.
    kung kay jp colet, HELLO. no comment.
    kung kay jayson fajarda, baka pwede mong muling balikan yung mga dyaryo na yun at ngayon, hindi ba pinatutunayan lang na lumalala ang mga kalagayan at mas lalong nararamdaman ng mga estudyante ang pangangailangan sa mas matapang at matalinong pagsiwalat ng mga isyu.

    The times have changed. And the present University Student Council is a sign of that change. For years one party has dominated the USC. Now another party is gathering clamour and support from the studentry. Shouldn't they take that as a sign?

    - haha. what sign? na nagbabadyang umupo sa pwesto ang mga "pro-tuition fee increase and commercialization" student "leaders".
    anyway. kule is a pro student rights publication hindi ba?

    And what could the Collegian say when the fight against TFI and STFAP fails? Students studying in UP can no longer be called "Iskolar ng Bayan" because they dish out their own cash to pay for their education. Can they be compelled to adopt such views? "Ang Iskolar ng Bayan, may alam, may pakialam", sabi ng isang famous line ng STAND-UP. Pano 'pag wala nang Iskolar ng Bayan? (Na hindi malayong mangyari) Ang mga estudyante ba ang kailangang tumanggap ng kung anuman ang inilalathala sa Collegian? O dapat bang ang Collegian a

    ReplyDelete
  12. Three years ago kinahihiya ko yung kule.

    I completely agree with Mikas and Kepi…hindi dahil STAND-UP ako kundi dahil naniniwala na ako sa isang kritikal na midya bago pa man ako pumasok ng UJP at Stand-Up.

    Sa dami ng issue, isasama pa ba sa kule ang mga accomplishments kung may ibang publications naman na nagpupublish nyan? Ang kule ay alternatibo at dapat tayong magpasalamat dito.

    Sa teoretikal na antas, kailangan nating bumalik sa pag-aaral kung bakit kailangan ang alternative media, sa manufactured consent ni Chomsky, at sa iba pang libro na mulat sa hegemony sa media.

    Tulad ng UJP, sa tingin ko ang kule ay pro-masses at pro-student. Ang alternative media ay biased. Totoo ito. Pero lahat naman tayo ay biased din. NEUTRALITY IS A MYTH! Sa pagpili pa lang ng publikasyon na kabibilangan mo ay biased ka na. Biased ang kule towards the student and the community, biased ito towards real democracy – that is, yung mayoryang opinion. Akala mo lang popular ang mga ideya ng iba dahil ito ang madalas mong marinig…pero yun na nga, magbasa ka tungkol sa hegemony at homogenous news.

    Ano ang tunay na demokrasya? Ang dapat na maging popular na opinion? Ito ang opinion ng karamihan sa Pilipino…alam naman natin ang data. Mas madami ang mahirap, ang marginalized. Ano ang opinion nila? Magkaroon ng bahay, ng mas malaking sahod, ng lupa, ng edukasyon, ng kalayaan, ng kaginhawaan sa buhay. So kung iisipin natin, inilalabas lang ng kule ang dapat talagang maging popular na opinion.

    Sabi nga ni Joe Torres sa forum nung Friday – media should be biased towards life, towards human rights.

    Hindi lang news values and news qualities ang kailangang tandaan ng isang peryodista…may puso sa pagsusulat at ang puso ay dapat nasa masa – ang masa na tunay na pinagsisilbihan ng media; ang masa na marginalized dahil walang political and economic power para ihain ang mga hinaing nila.

    MEDIA IS BIASED AND YET IT IS STILL OBJECTIVE. Objective dahil base pa rin naman ito sa konkretong mga pangyayari.

    JM, sana kahit mapunta ka sa mainstream alalahanin mo na ang advocacy journalism ay hindi lang sa alternatibo pwede…ang advocacy journalism ay isang mindset na dinadala kahit ng mga pinakamagaling na peryodista…tulad na lang ni Ma’am Chua na naniniwala sa transparency and accountability of government at free press. Nagkakaiba lang ang porma ng pagpapahayag, pero kung babasahin mo ng mabuti, may natatagong advocacy at pagiging biased kahit sa mga istoryang nananalo sa JVO.
    I respect your ideas as you respect ours. We are still friends, but perhaps not the kind who share the same biases.

    Pula ang kulay ng isang tunay na mag-aaral ng lipunan. Pula ang kulay ng dugo na pambayad sa kalayaan ng karamihan. Pula ang kulay ng galit sa mga taong nanggagahasa sa demokrasya at karapatang pantao. Pula ang kulay ko at hindi ko ito kinahihiya dahil pula ang kulay na nagsisilbi sa masa.

    Minsan pumunta ka sa lansangan, kaharapin mo ang tunay na masa, at makikita mo na pula ang kulay ng tunay na demokrasya sa lipunang ang karamihan ay naghihirap.

    ReplyDelete
  13. Hi. Stumbled upon this for some reason. I am from the Collegian and I'd like to answer some of your points.

    For one, I don't think the Collegian, as far as this term is concerned, has never claimed to be 'objective' or 'unbiased.' You're a journalism major, a UP student, and a human being. You should know there is no such thing as being completely devoid of bias. Mere choice of words implies bias, the selection stories to publish implies bias, the order of presentation of facts or which angle to develop implies bias. In the same manner, would you say the Inquirer is objective? Your news writing subject, of course, tells you to remove your opinion from your story, to detach from it completely. Can you, really? The mere fact that you are picking that story means you are not selecting other stories. And if the public is consequently relying on you for the 'truth,' then you wield power on defining 'truth' for them. And if you can't claim that you can write everything 'newsworthy' that's happening in the universe (or even in UP), then you, my friend, are biased. While I am not to lecture you on the difference between mainstream and advocacy journalism, I will claim that the latter is an enlightened version of the former. Mainstream media do nothing more than send slight ripple in society, advocacy journalism exposes what mainstream media won't, and consequently, affect genuine change. I'm praying you've taken ethics under Sir Teodoro. Sayang, kung hindi.

    I don't really know how to even begin explaining to you why the Collegian won't cover "student and faculty achievements, developments in discipline, academic milestones." For one, and it was raised prior, the UP Newsletter and the UP Forum already cover those things. Is this your idea of a school paper? As a case in point, the up debsoc recently won something somewhere. The admin-sponsored pubs will predictably report on this achievement. But will they say, for instance, that the org, despite historically bringing glory to the university, doesn't even have a tambayan?

    I am trying to be civil here, pero dude, has the Collegian gone too far? Look around you. People (journalists not a few of them) are getting killed and the rest of the nation will not do anything about it. More than half of the nation lives below the poverty line while an affluent few continues to enjoy the country's wealth. Now tell me the Collegian has gone too far. Now tell me that we don't need to do something about it.

    And what is this thing being immersed with ideals that we fail to see what is real? When we went to this community in Batangas in June, we met families whose houses were about to be demolished because of the Calabarzon project. Soldiers were sent to the area to practically coerce these families to agree to the demolition. What am I saying? These are things that mainstream media won't even consider reporting, they'd rather report on the economic gains of the project. This is the reason why the Collegian has to be biased. Because there are things in the margin that have to be brought to fore. There are things that deserve attention but don't get it. There are things that people should know but escape them. The government and the UP Admin already have megaphones. What about giving voices to the voiceless?

    ReplyDelete
  14. Sorry, nakita ko lang kasi 'to. Hindi mo naman talaga alam ang context ng sinabi ko e. Nag-assume ka naman na pinupuri ko ang Guidon, wala naman akong sinabi na ganoon, sabi ko lang "Why can't we have a student paper more like the Guidon?" Hindi naman ibig sabihin gagayahin yung sa Ateneo di ba, pati yung mga kung anu-anong pina-pubish nila, kung totoo man. Isa pa, hindi mo naman ako kilala, di ba?

    Eto ang storya ko, para maintindihan mo: Nakapulot ako ng Guidon isang araw, binasa ko, hindi ko masyadong gusto ang news writing - strike one, pati ang layout - strike two. Pero may nakita ako don na matagal ko nang hinahanap - ang pagpapahalaga nila sa estudyante, sa estudyante mismo, hindi sa mga piling-piling boses lamang. Sinabi ko kay JM, pag nagbabasa ako ng Kule, maayos at totoong may pakialam sa nangyayari, pero asan ang tungkol sa estudyante? Iyon lamang bang puro issues (na talaga naman importante malaman) at ang mga ginagawa nila tungkol sa mga issue na ito (katulad ng mga pag-apila, rally, pagsabi ng mga opinyon at tindig), pero ito lamang ba ang ginagawa ng mga estudyante? Is this the ONLY face of the UP student body? Hindi ba't malayo rin ang nararating ng mga estudyante natin, kahit pa hindi natin bilangin ang mga graduate na ng UP? Hindi ba't sa mga bagay ng ginagawa ng UP students, maliban sa matapang na pagtindig sa mga issues, ay dapat tularan at malaman ng mga kapwa nilang estudyante at pati na rin ng lahat? Hindi ba't mas maraming anyo ang mga UP students kesa sa mga taga-asul na unibersidad?

    Eto lang naman ang mga bagay-bagay na matagal ko nang tinatanong, hinahanap na hindi ko makita sa isang publication claiming to be of the students and for the students. Proud ako sa Collegian, at sa mga naabot nito sa kasaysayan. Pero hindi ba't karapatan ko rin na mag-suggest ng sa tingin ko, at sa tingin ng marami pang taong nakausap ko, ay makaka-improve sa publikasyon? Lahat ng estudyante nagbabayad, pero hindi lahat nakakabasa at sinasadyang magbasa. At kapag ganito ang sitwasyon, hindi ba't parang sinasabi na nilang may ayaw sila at may kulang?

    Giving "voice to the voiceless" - fine, noble. Isn't a huge fraction of unrecognized, faceless UP students that deserve to be covered also voiceless?

    Plus, who wants to read an admin publication? We want a STUDENT paper!

    ReplyDelete
  15. Hanep. Naghahanap ako ng artikulo na may kinalaman sa TOFI gamit ang Google at ito ang makikita ko.

    Hmm..

    Una naniniwala ako sa pangangailangan para sa isang publikasyong katulad ng Kule -- isang publikasyong nagtataguyod ng malayang pamamahayag. Pangalawa naniniwala ako na ang lahat ay may layang ipahayag ang kanilang adbokasiya at paninindigan ukol sa mga isyu sa unibersidad. Pangatlo, isa akong miyembro ng ALYANSA, at para sabihin mo na ang ALYANSA ay isang "pro-tuition fee increase and commercialization" student "leaders" ay isa lamang pagpapahayag na hindi mo alam ang mga prinsipyo ng ALYANSA. Huwag mo ring sasabihin na hindi ang ALYANSA ang tinutukoy mo, dahil alam nating pareho na ALYANSA ang partido-pulitikal na kinabibilangan ng sunod na pinakamaraming lider-estudyante sa USC bukod sa STAND-UP.

    Ang ALYANSA, mula pa sa umpisa, ay binubuo ng mga lider-estudyanteng "Iskolar Para Sa Bayan." Mula pa sa umpisa, malinaw nang ipinahayag ng ALYANSA ang pagkundena sa mabilisang pag-aapruba ng TOFI at sa kawalang-konsultasyon nito sa mga estudyante. Ang ALYANSA rin ay malinaw na nagbigay ng alternatibo para sa polisiyang pilit ipinipilit ng administrasyon ng UP sa mga estudyante.

    Ang posisyon ng ALYANSA sa isyu ng TOFI ay simple lamang -- na kami ay para sa isang epektibong sistema ng "socialized tuition." Ang ibig sabihin nito ay ang matrikula ay magiging ayon sa kakayahang magbayad ng pamilya ng mga iskolar para sa bayan.

    Alam nating pareho na may mga de-kotse at mga taong hindi marunong magcommute pauwi ng bahay na tumatamasa ng subsidiya ng gobyerno na pareho nating alam na dapat ilaan sa mga higit na nangangailangan nito. Naniniwala ang ALYANSA na NAPAPANAHON ang pagtaas ng matrikula (tingnan mo ang kagamitan ng mga kolehiyo at sabihin mo sa aking hindi napapanahon ang pagtaas ng matrikula ay naglolokohan tayo. Ang College of Engineering, halimbawa, ay umaasa sa mga alumni nito at mga grants at donasyong ibinibigay ng mga kompaniya na hindi humihingi ng "UP graduates as employees in exchange." At makikita mong sa mismong mga departamento ay may malaking diperensya sa kagamitan. Halimbawa, ang EEE ay may mas makabagong kagamitan kaysa sa iba pang departamento. Dati akong taga-eng'g, alam ko ang sinasabi ko.)

    PERO, kinikilala ng ALYANSA na may pagkakamali ang administrasyon ng UP sa pagpasa ng TOFI. Una, ang kakulangan ng konsultasyon sa mga estudyante at mga "magiging estudyante" sana ng UP. Pangalawa, ang mga estudyanteng makikinabang mula sa lumang STFAP system ay mababalewala sa bagong STFAP system dahil itinaas ang "income levels" sa "lower brackets" gayong hindi naman nag-improve ang state of living ng mga estudyanteng iyon na umaasa sa STFAP system. Pangatlo, gaya ng nakita natin nitong nakaraang enrolment, ang kakayahan ng administrasyon na ipatupad ang bagong bracketing system ay kinuwestiyon ng ALYANSA at sa pagbabalik tanaw ay nararapat naman talagang kuwestiyunin ng mga estudyante.

    Sa madaling sabi, eto lang naman ang "stand" ng ALYANSA: Magbayad ang DAPAT at MAY KAKAYAHANG magbayad, at bigyan ng subsidiya at benepisyo ang mga iskolar na hindi kayang magbayad. Sa ganitong paraan, matutugunan ang kakulangan ng pera ng UP pantustos sa mga kagamitang makakapagpabuti sa sistema ng pagtuturo ng mga guro at pagkatuto ng mga estudyante, bilang ilan lamang sa mga makikinabang sa pera ng mga taong dapat naman talagang magbayad.

    Social Equity ang itinataguyod ng ALYANSA, hindi marginalization. Pagkakapantay-pantay at progresibong pagbabago, at hindi pagkakait ng karapatang pantao.

    Kung kinukuwestiyon ng ilan ang adbokasiya ng ALYANSA... kung kiunkuwestiyon ng ilan ang paninindigan ng ALYANSA pagdating sa mga isyu na kung saan ang interes ng administrasyon at ang interes ng iba't ibang sektor ng unibersidad, lalong-lalo ng sektor ng mga estudyante, ay hindi nagtutugma... kung kinukuwestiyon ng ilan ang kakayahan ng ALYANSAng magtaguyod ng adbokasiyang alam nating pareho, ikaw bilang miyembro ng STAND-U

    ReplyDelete
  16. Eto lang naman din ang masasabi ko; open ang kule sa suggestions, comments and other stuffs. Madami lang naman ipaabot iyon sa kule.

    Pero pare-pareho lang naman tayo ng gusto ang lumaya sa opresyong kinasasadlakan natin. Kay lang siguro nasasabi niyo 'yan ay dahil kayo rin mismo hindi mulat sa opresyong iyon.

    o ang tanong alam niyo na napagsasamantalahan tayo pero ayaw niyo lang bumaba sa toreng garing niyo?

    ReplyDelete
  17. Ang liberal mo lang, ateh...

    hindi pwedeng maraming daan na tama, maliligaw ang mga tao noon. kasi may isang daan lang naman pagbabago ng pagbabago..

    ReplyDelete
  18. Pero ano ang pinanghahawakan ng isang tao, o isang sektor, o isang grupo, para sabihin na siya lang ang "tama"? Napaka-close minded naman ata nun.

    Ang pagsasabing isa lang ang daan? It seems to me that you're taking the arguments which religions use to get devotees and using it to define how we could redo the nation. Parang "join us, or suffer in hell."

    But that's just my two cents.

    ps.
    Sa pagkakatanda ko, ang liberalismo ay isang political orientation na pinapahalagahan ang karapatang pantao at pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa individual rights at civil liberties.

    So, I'll take your describing me as a "liberal" as a compliment, although I'm not sure if I want to be classified. :) Thank you.

    ReplyDelete
  19. ay guilty.

    to starchelles:
    ate, last sem pa ata nadebunk yang mga stand na yan.

    ilang beses na ako nakatunghay ng mga debate ng prinsipyo at pagsusuri tungkol sa TOFI, stfap, greater state subsidy, at right to education mula sa dalawang panig. mula pa lamang sa pagputok ng proposal, hanggang sa pagsisimula ng pagtutol, hanggang sa sapilitang pagpasa, hanggang sa panahon ng eleksyon, hanggang sa pagsisimula ng implementasyon, hanggang sa mga debate ng mga student councils sa UP para makapaglabas ng mga stand. at kung tutuusin, kahit mula sa mismo sa mga estudyanteng di miyembro ng kung anumang partido, lumilitaw sa mga debateng ito kung sino ang may mas matalas, matibay, at malinaw na pagsusuri sa isyu. at kung sino ang may prinsipyong tunay na magsisilbi sa kapakinabangan ng nakararami.


    "Pangatlo, isa akong miyembro ng ALYANSA, at para sabihin mo na ang ALYANSA ay isang "pro-tuition fee increase and commercialization" student "leaders" ay isa lamang pagpapahayag na hindi mo alam ang mga prinsipyo ng ALYANSA"

    +

    Naniniwala ang ALYANSA na NAPAPANAHON ang pagtaas ng matrikula (tingnan mo ang kagamitan ng mga kolehiyo at sabihin mo sa aking hindi napapanahon ang pagtaas ng matrikula ay naglolokohan tayo.


    thanks for affirming. hehe
    isigaw mong kailangan ng tofi para masolusyonan ang mga facility problems na ito at ito ang tunay na kalokohan.

    and yes, tuition and other fee increases is a manifestation of commercialization. why not ipractice natin ang pagiging researcher natin as masscomm students para palawakin pa ang pagsusuri sa mga issues para mas lalo nating maintindihan, higit pa sa kawalan ng facilites, hanggang sa budget allocation ng admin sa mga kolehiyo, koleksyon ng lab fees, population ng enrolless, budget allocation ng gobyerno, educational policies sa pilipinas, at educational policies na dikta ng global institutions.
    exciting at masaya siyang pag-aralan promise. nakakagulantang at nakakalungkot lang pag nakita mo kung paano nagkakatahi-tahi ang mga bagay na ito.

    taga cmc ka ate di ba? hmmm, kung ganyan katibay at naniniwala ka sa paninindigan mo, e di dapat pinapakalat at pinaliliwanag mo yan sa mga estudyante, lalo na dun sa mga freshies or kahit sa mga upperclassmen, bilang andami pa namang issues sa cmc ngayon. e di ba dapat ang student leader mabilis di ba magsaliksik, mag analisa at tumindig para sa mga isyu? errr, pero parang di ko naman nazezenz ang ganitong pagmumulat sa mga taga cmc mula sa bughaw na panig. ay may mga dilaw nga naman pala. haha.

    p.s.
    "pluralism weakens the power to oppose" sabi nga.

    p.s.s.
    sana hindi nagiging komentuhan ng mga pol parties tong entry na to no. e di sana nagbibigay na lang tayo ng mga kuru-kuro, palagay at pagsusuri sa mismong post ng blogger, total tungkol naman ito sa journalism at sa pagtingin niya kuno sa role collegian bilang student publication ng isang state university--ang UP. :)

    ReplyDelete
  20. Ah ganun ba? Nadebunk ang stand namin?

    ---

    PS.
    Hmmm.. FYI: Sa nakalipas na university convocation na ipinatawag ni Student Regent Terry Ridon, iniharap niya ang proposal na ihaharap niya sa UPLB sa UP Board of Regents. Pansin ko lang ha, kamukhang-kamukha siya ng proposal na inihain ng Alyansa nung nakaraang Disyembre kay Pres. Roman. Yung socialized tuition and STFAP rebracketing 'yun, 'yung sinasabi mong "nadebunk?" Kung nadebunk, bakit kaya ito ang ihaharap ni SR? Balita ko rin socialized tuition na ang inihaharap na proposal sa SPARE-UP.

    Ano ulit? Na-debunk? :)

    Gaya nga ng sabi sa proposal namin nung Disyembre kay Pres. Roman:
    Go Beyond Junk, Reject, Scrap
    Challenge the Current STFAP Proposal
    Yes to a Just and Socialized Tuition!

    Kuya, iba kasi ang absolutist views at multi-perspective views.

    PSS.
    Hindi ako ang nag-umpisa ng TOFI and commercialization talks. May pintong bukas na bukas mong iniwan, pumasok lang ako. :)

    ReplyDelete
  21. Kule related:
    Gusto ko ang nakaraang isyu ng Kule. 'Yung may tungkol sa frat violence at sa FA wall. Ang tagal ko nang hinihintay na mailathala ang nangyari sa FA wall e. :)

    ReplyDelete
  22. magandang araw!

    paglilinaw lang, ang edukasyon kasi ay karapatan ng lahat at ang ideya na gagatasan ang mga mayayaman para pangtustos sa edukasyon ng mga hindi makakayanan na makakuha nito may kamalian... ugatin natin at suriin ang isyu, hindi ba dapat sa huli ay ang estado pa rin ang gumagampan nito bilang state university tayo at hindi ang "de-kotseng" mga mag-aaral
    (sabi mo nga social equity, hindi marginalization di ba?)

    dagdag pa... gusto sana kitang imbitahan sa isa sa mga diskusyon sa sitwasyon ng UP at sistema ng edukasyon sa Pilipinas makikita mo kung paano konektado ang TOFI (kasama ang STFAP), komersalisasyon ng edukasyon, rehimeng Arroyo at ang imperialismo, makikita mo dito kung gaano karepresibo ang neoliberal na karakter ng edukasyon na isinusulong sa atin...

    sabi nga: "Alagad ng Midya Magmulat, Maglingkod Makibaka!" (aasahan kita)

    ReplyDelete